Pular para o conteúdo
Publicidade

Nehemias 8:1-3,8,18

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Ang kautusan ay binasa ni Ezra sa harap ng mga tao.

1 At ang Ezra 3:1.buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng Neh. 3:26.pintuang-bayan ng tubig; at sila’y nangagsalita kay Ezra na Ezra 7:6.kalihim, na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel.

2 At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan, na mga lalake at mga babae, at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan.

3 At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig, mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae, at ng makakaalam: at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan.

8 At sila’y nagsibasa sa aklat, sa kautusan ng Dios, na maliwanag; at kanilang ibinigay ang kahulugan, na anopa’t kanilang nabatid ang binasa.

18 Gayon din naman araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huling araw, kaniyang binasa ang Deut. 31:10-11.aklat ng kautusan ng Dios. At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan, ayon sa ayos.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 nagtipon ang lahat ng tao nang may pagkakaisa doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. Hiniling nila kay Ezra na tagapagturo ng kautusan na kunin niya ang Aklat ng Kautusan ni Moises na iniutos ng Panginoon sa mga Israelita.

    2 Kaya nang unang araw ng ikapitong buwan, dinala ni Ezra, na pari, ang Kautusan sa harap ng mga tao na mga lalaki, babae, at mga batang nakakaunawa na. 3 Binasa niya ito sa kanila nang malakas mula sa pagsikat ng araw hanggang tanghali, doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. At pinakinggang mabuti ng lahat ang Aklat ng Kautusan.

    8 Bumasa sila mula sa Aklat ng Kautusan ng Diyos at ipinaliwanag ang kahulugan nito8:8 ipinaliwanag ang kahulugan nito: Maaaring pati ang pagpapaliwanag ng Kautusan sa wikang Arameo dahil itoʼy nakasulat wikang Hebreo., upang maunawaan ng mga tao.

    18 Araw-araw ay binabasa ni Ezra sa mga tao ang Aklat ng Kautusan ng Diyos, mula sa una hanggang sa huling araw ng pista. Ipinagdiwang nila ang pista ng pitong araw, at nang ikawalong araw, nagtipon sila bilang pagtatapos ayon sa Kautusan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.