1 nagtipon ang lahat ng tao nang may pagkakaisa doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. Hiniling nila kay Ezra na tagapagturo ng kautusan na kunin niya ang Aklat ng Kautusan ni Moises na iniutos ng Panginoon sa mga Israelita.
2 Kaya nang unang araw ng ikapitong buwan, dinala ni Ezra, na pari, ang Kautusan sa harap ng mga tao na mga lalaki, babae, at mga batang nakakaunawa na. 3 Binasa niya ito sa kanila nang malakas mula sa pagsikat ng araw hanggang tanghali, doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. At pinakinggang mabuti ng lahat ang Aklat ng Kautusan.
8 Bumasa sila mula sa Aklat ng Kautusan ng Diyos at ipinaliwanag ang kahulugan nito8:8 ipinaliwanag ang kahulugan nito: Maaaring pati ang pagpapaliwanag ng Kautusan sa wikang Arameo dahil itoʼy nakasulat wikang Hebreo., upang maunawaan ng mga tao.
18 Araw-araw ay binabasa ni Ezra sa mga tao ang Aklat ng Kautusan ng Diyos, mula sa una hanggang sa huling araw ng pista. Ipinagdiwang nila ang pista ng pitong araw, at nang ikawalong araw, nagtipon sila bilang pagtatapos ayon sa Kautusan.