Ang kagamitan ng mga kawikaan. Pagiingat laban sa hibo ng makasalanan.
1 Ang mga Rom. 4:32;Kaw. 10:1;25:1.kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
2 Upang umalam ng karunungan at turo;
Upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
3 Upang Kaw. 12:1,9.tumanggap ng turo sa pantas na paguugali,
Sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
4 Upang magbigay ng Kaw. 8:5,12.katalinuhan sa Kaw. 7:7.musmos.
Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
5 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo:
At upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan;
Ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.