Publicidade

Salmos 150

Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.

1 Purihin ninyo ang Panginoon.

Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario:

Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.

2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:

Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.

3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:

Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.

4 Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw:

Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.

5 Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo.

Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.

6 Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-