Publicidade

Salmos 101

Awit ni David.

1 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:

Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.

2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:

Oh kailan ka pasasa akin?

Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso.

3 Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:

Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:

Hindi kakapit sa akin.

4 Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:

Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.

5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal:

Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.

6 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:

Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.

7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:

Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.

8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;

Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan sa bayan ng Panginoon.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-