Publicidade

Salmos 52

Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si #1 Sam. 22:9. Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.

1 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao?

Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.

2 Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;

Gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan.

3 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;

At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)

4 Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,

Oh ikaw na magdarayang dila.

5 Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,

Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,

At bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay. (Selah)

6 Makikita naman ng matuwid, at matatakot,

At tatawa sa kaniya, na magsasabi,

7 Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;

Kundi tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,

At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.

8 Nguni't tungkol sa akin, ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:

Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.

9 Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:

At ako'y maghihintay sa iyong pangalan sapagka't mabuti, sa harapan ng iyong mga banal.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-