Publicidade

Salmos 138

Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.

1 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:

Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.

2 Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,

At magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:

Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.

3 Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,

Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.

4 Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,

Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.

5 Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;

Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.

6 Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa:

Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.

7 Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;

Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,

At ililigtas ako ng iyong kanan.

8 Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:

Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;

Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_09-43-29-