Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
1 Panginoon, hindi hambog ang Awit 138:6.aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
Jer. 45:5;Rom. 12:16.Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
Mat. 18:3.Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
3 Awit 130:7.Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.