Publicidade

Salmos 32

Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.

1 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang,

Na tinakpan ang kasalanan.

2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon,

At walang pagdaraya ang diwa niya.

3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto

Dahil sa aking pagangal buong araw.

4 Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay:

Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)

5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo,

At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:

Aking sinabi, Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;

At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.

6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka:

Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.

7 Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;

Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)

8 Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:

Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.

9 Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:

Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,

Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.

10 Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:

Nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.

11 Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:

At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_06-50-08-