Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. #Awit 121:134, mga titik. Awit sa mga Pagsampa.
1 Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
4 Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech,
Na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7 Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.