Pular para o conteúdo
Publicidade

MGA AWIT 58

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.

1 Tunay bang kayo’y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?

Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?

2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;

Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.

3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:

Sila’y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.

4 Awit 140:3;Ec. 10:11.Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:

Sila’yJer. 8:17.gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;

5 At hindi nakakarinig ng tinig Ec. 10:11.ng mga enkantador,

Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.

6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Job 4:10.Oh Dios, sa kanilang bibig:

Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.

7 Jos. 7:5;Awit 112:10.Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:

Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.

8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:

Job 3:16;Ec. 6:3.Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.

9 Ec. 7:6.Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,

Job 27:21.Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.

10 Awit 32:11.Magagalak ang matuwid pagka nakita niya Is. 63:3;Apoc. 14:20.ang higanti:

Kaniyang huhugasan Awit 68:23.ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.

11 Awit 92:15.Na anopa’t sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:

Katotohanang may Dios na Awit 9:8.humahatol sa lupa.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também