Pular para o conteúdo
Publicidade

MGA AWIT 6

Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.

1 Oh Panginoon, Awit 38:1.huwag mo akong sawayin sa iyong galit,

Jer. 10:24.Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.

2 Awit 30:2;41:4;147:3.Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka’t ako’y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka’t ang aking mga buto ay nagsisipangalog.

3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:

At ikaw, Oh Panginoon, Awit 90:13.hanggang kailan?

4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:

Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.

5 Awit 30:9;88:10-12;115:17;Is. 38:18.Sapagka’t sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;

Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?

6 Ako’y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;

Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.

7 Awit 31:9.Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;

Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.

8 Mat. 7:23;25:41.Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:

Sapagka’t narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.

9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;

Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.

10 Lahat ng kaaway ko’y mapapahiya, at mababagabag na mainam:

Sila’y magsisibalik, sila’y mangapapahiyang kagyat.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também