Publicidade

Salmos 67

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.

1 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,

At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)

2 Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,

Ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.

3 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;

Purihin ka ng lahat ng mga bayan.

4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:

Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,

At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)

5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;

Purihin ka ng lahat ng mga bayan.

6 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga:

Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.

7 Pagpapalain kami ng Dios:

At lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-