Publicidade

Salmos 113

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,

Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.

2 Purihin ang pangalan ng Panginoon

Mula sa panahong ito at magpakailan man.

3 Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon

Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,

4 Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa,

At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit.

5 Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,

Na may kaniyang upuan sa itaas,

6 Na nagpapakababang tumitingin

Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?

7 Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,

At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;

8 Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,

Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.

9 Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,

At maging masayang ina ng mga anak.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_10-32-54-