Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.
1 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat Ezra 7:6.ng bihasang manunulat.
2 Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
Luc. 4:22.Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya’t pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
3 Ibigkis mo ang iyong Is. 49:2;Heb. 4:12;Apoc. 1:6.tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong Awit 21:5.kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
4 At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng Awit 65:5.kakilakilabot na mga bagay.
5 Ang iyong mga Awit 120:4.palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila’y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
6 Awit 93:2;Heb. 1:8.Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
7 Awit 11:7;33:5.Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya’t ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo Is. 61:1.ng langis
Ng langis Awit 21:6;Juan 19:39.ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
8 Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
9 A. ng A. 6:8.Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
1 Hari 2:19.Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may Job 28:16.ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
Deut. 21:13.Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo’y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka’t siya’y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na Awit 96:8.may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay Awit 22:29;Is. 49:23;Mat. 2:11.mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya’y ihahatid sa hari na A. ng A. 1:4;Apoc. 19:7,8;2 Sam. 13:18.may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila’y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
1 Ped. 2:9;Apoc. 1:6.Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali’t saling lahi:
Kaya’t ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.