Publicidade

Salmos 93

Ang karangalan ng Panginoon.

1 Ang Panginoon ay naghahari; siya'y nananamit ng karilagan;

Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya'y nagbigkis niyaon:

Ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago.

2 Ang luklukan mo'y natatag ng una:

Ikaw ay mula sa walang pasimula.

3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,

Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;

Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.

4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,

Malalakas na hampas ng alon sa dagat,

Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.

5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:

Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,

Oh Panginoon, magpakailan man.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_06-50-08-