Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
1 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
2 Parang mahalagang langis sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
3 Gaya ng hamog sa Hermon,
Na tumutulo sa mga bundok ng Sion:
Sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.