Publicidade

Salmos 23

Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.

1 Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.

2 Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan:

Pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan,

3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:

Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.

4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,

Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:

Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.

5 Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:

Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;

Ang aking saro ay inaapawan.

6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:

At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_06-50-08-