Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.
1 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
2 Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
3 Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.