Publicidade

Salmos 130

Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

1 Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.

2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:

Pakinggan ng iyong mga pakinig

Ang tinig ng aking mga pamanhik.

3 Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan,

Oh Panginoon, sinong tatayo?

4 Nguni't may kapatawarang taglay ka,

Upang ikaw ay katakutan.

5 Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,

At sa kaniyang salita ay umaasa ako.

6 Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon,

Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;

Oo, higit kay sa bantay sa umaga.

7 Oh Israel, umasa ka sa Panginoon;

Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.

8 At kaniyang tutubusin ang Israel

Sa lahat niyang kasamaan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_14-04-22-