Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.
1 Hanggang tal.6;Awit 14:1-7.Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
Rom. 3:10,12.Walang gumawa ng mabuti.
2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
3 Bawa’t isa sa kanila ay Awit 35:4.tumalikod: sila’y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
Awit 27:13.Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
5 Doo’y nangapasa malaking katakutan sila Lev. 26:17.na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka’t Ezek. 6:5.pinangalat ng Dios ang mga Awit 141:7.buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka’t itinakuwil sila ng Dios.
6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
Awit 126:1,2.Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.