Awit, Salmo ni Asaph.
1 Oh Awit 28:1;Is. 62:7.Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
2 Sapagka’t Awit 2:1;Gawa 4:25.narito, ang mga kaaway mo’y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
3 Sila’y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian Awit 27:5.laban sa iyong nangakakubli.
4 Kanilang sinabi, Kayo’y parito, at atin silang Est. 3:6,9;Awit 74:8;Jer. 31:36.ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
5 Sapagka’t sila’y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
6 2 Cron. 20:1,10,11.Ang mga tolda ng Edom at ng mga Gen. 25:18.Ismaelita;
Ang Moab at ang mga 1 Cron. 5:10.Agareno;
7 Ang Jos. 13:5.Gebal, at ang Ammon, at ang 1 Sam. 15:2.Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
8 Pati ng 2 Hari 15:19.Asiria ay nalalakip sa kanila;
Is. 33:2.Kanilang tinulungan ang Deut. 2:9.mga anak ni Lot.
9 Gumawa ka sa kanila ng gaya Huk. 7:22.sa Madianita;
Gaya Huk. 4:15.kay Sisara, gaya kay Jabin, sa Huk. 4:7.ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; 2 Hari 9:37.Sila’y naging parang dumi sa lupa.
11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya Huk. 7:25.ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Huk. 8:5,6,12,21.Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, 2 Cron. 20:11.Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 Is. 17:13.Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
Awit 1:4;35:5.Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya’t habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 Awit 35:4,26.Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 Awit 59:13.Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na Ex. 6:3.ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.