Publicidade

Salmos 96

Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.

1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit:

Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.

2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;

Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.

3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa

Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan

4 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:

Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.

5 Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.

Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.

6 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:

Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.

7 Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan,

Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.

8 Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;

Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban.

9 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:

Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.

10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:

Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:

Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.

11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa;

Humugong ang dagat, at ang buong naroon;

12 Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;

Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;

13 Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:

Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:

Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,

At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-