Publicidade

Salmos 122

Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

1 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,

Tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.

2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo

Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;

3 Jerusalem, na natayo

Na parang bayang siksikan:

4 Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,

Na pinaka patotoo sa Israel,

Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.

5 Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,

Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.

6 Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:

Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.

7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,

At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.

8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,

Aking sasabihin ngayon,

Kapayapaan ang sumaiyong loob.

9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.

Hahanapin ko ang iyong buti.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_14-04-22-