Pular para o conteúdo
Publicidade

MGA AWIT 137

Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.

1 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,

Doo’y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,

Nang ating maalaala ang Sion.

2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon

Ating ibinitin ang ating mga alpa.

3 Sapagka’t doo’y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,

At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:

Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.

4 Neh. 2:3.Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon

Sa ibang lupain?

5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,

Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.

6 Dumikit nawa ang Job 29:10.aking dila sa ngalangala ng aking bibig,

Kung hindi kita alalahanin;

Kung hindi ko piliin ang Jerusalem

Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.

7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban Jer. 49:7-22;Ex. 25:12-14;Oba. 10-14.sa mga anak ni Edom

Ang kaarawan ng Jerusalem;

Na nagsabi, Sirain, sirain,

Pati ng patibayan niyaon.

8 Oh anak na babae ng Babilonia, na Is. 13:1-22;Jer. 25:12.sira;

Magiging mapalad siya, Jer. 50:15,29.na gumaganti sa iyo

Na gaya ng iyong ginawa sa amin.

9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata

Sa malaking bato.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também