Publicidade

Salmos 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

1 Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,

Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.

2 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:

Inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.

3 Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:

Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig.

4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;

Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.

5 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;

Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.

6 Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya:

Ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.

7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.

8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:

Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.

9 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,

At hinuhubdan ang mga gubat:

At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.

10 Ang Panginoon ay naupo sa Baha na parang Hari;

Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.

11 Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;

Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-