Publicidade

Salmos 128

Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

1 Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon,

Na lumalakad sa kaniyang mga daan.

2 Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:

Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.

3 Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas,

Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:

Ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.

4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,

Na natatakot sa Panginoon.

5 Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:

At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.

6 Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak.

Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-