Awit.
1 Awit 33:3.Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka’t siya’y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
Ex. 15:6;Luc. 1:51.Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
2 Is. 52:10;Luc. 2:30,31;3:6;Gawa 13:47;28:28.Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
Is. 62:2;Rom. 3:25,26.Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
3 Luc. 1:53.Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng Is. 49:6.lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
4 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
5 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri Awit 83:18.ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
6 Ng mga pakakak at tunog ng corneta
1 Cron. 15:28;2 Cron. 15:14.Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
7 Awit 96:11.Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
8 Is. 55:12.Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
9 Sa harap ng Panginoon, Awit 96:10,13.sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.