Publicidade

Salmos 26

Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.

1 Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad sa aking pagtatapat:

Ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.

2 Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;

Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.

3 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:

At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.

4 Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;

Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.

5 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,

At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.

6 Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;

Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:

7 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,

At maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa.

8 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,

At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.

9 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,

Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:

10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,

At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.

11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:

Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.

12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:

Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_14-04-22-