Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 Awit 7:4.Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga Awit 58:7.palaso, sa makatuwid baga’y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5 Sila’y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila’y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, Job 22:13;Awit 10:11.Sinong makakakita?
6 Sila’y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa’t isa, at ang puso ay malalim.
7 Awit 7:12,13.Nguni’t pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila’y masusugatang bigla ng isang palaso.
8 Sa gayo’y sila’y Kaw. 18:7.matitisod palibhasa’t ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay Awit 31:11.mangaguuga ng ulo.
9 At lahat ng mga tao ay Awit 40:3.mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay Awit 32:11.matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.