Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.
1 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako’y magpapasalamat Awit 89:7;149:1.sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
2 Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
3 Ang kaniyang gawa ay Awit 145:5.karangalan at kamahalan:
At ang Awit 112:3,9.kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4 Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay Awit 86:15;103:8.mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
5 Siya’y nagbigay ng Mat. 6:26,33.pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
6 Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay Apoc. 15:3.katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay Awit 19:1.tunay.
8 Is. 40:8;Mat. 5:8.Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
9 Siya’y nagsugo ng Awit 107:20;Luc. 1:68.katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
Awit 99:3.Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 Deut. 4:6.Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.