Ang Panginoon ay kanlungan. Sa Pangulong manunugtog. Awit ni David.
1 Sa Panginoon ay Awit 56:11.nanganganlong ako:
1 Sam. 23:14,19;26:19,20.Ano’t inyong sinasabi sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
2 Sapagka’t, Awit 7:12;64:4.narito, binalantok ng masama ang busog,
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
3 Awit 75:3;82:5.Kung ang mga patibayan ay masira,
Anong magagawa ng matuwid?
4 Hab. 2:20.Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,
Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;
Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
5 Gen. 22:1;Sant. 1:12.Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;
Nguni’t ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
6 Gen. 19:24.Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;
Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay Awit 75:8.magiging bahagi ng kanilang saro.
7 Sapagka’t ang Panginoon ay matuwid; Awit 45:7.minamahal niya ang katuwiran:
Job 36:7;1 Ped. 3:12.Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.