Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
1 Bakit ang mga bansa ay Gawa 4:25,26.nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa Awit 45:7;Juan 1:41.kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 Jer. 5:5.Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay Awit 37:13.tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo’y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma’y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, Mat. 3:17;Gawa 13:33;Heb. 1:5.Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko Awit 72:8.sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 Apoc. 2:27.Sila’y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang Is. 30:14;Jer. 19:11.isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga’y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 Heb. 12:28.Kayo’y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na Fil. 2:12.may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo’y mangapahamak sa daan,
Sapagka’t ang kaniyang poot ay madaling magalab.
Awit 7:1.Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.