Publicidade

Salmos 149

Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.

1 Purihin ninyo ang Panginoon.

Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,

At ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal.

2 Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:

Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.

3 Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:

Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.

4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:

Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.

5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:

Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.

6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,

At tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;

7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,

At mga parusa sa mga bayan;

8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,

At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;

9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat:

Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-