Publicidade

Salmos 85

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

1 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:

Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.

2 Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,

Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)

3 Iyong pinawi ang buong poot mo:

Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.

4 Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,

At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.

5 Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?

Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?

6 Hindi mo ba kami bubuhayin uli:

Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?

7 Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,

At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.

8 Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:

Sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal:

Nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.

9 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;

Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.

10 Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;

Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;

At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.

12 Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti;

At ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.

13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;

At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_06-50-08-