Panalangin upang ingatan laban sa manlulupig. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David
1 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso:
Awit 56:6.Laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas;
Awit 58:4.Kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
4 Awit 71:4.Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
5 Awit 35:7;141:9;142:3;Jer. 18:10.Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali;
Kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan;
Sila’y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko:
Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan,
Iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama;
Huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; bakaDeut. 32:27.sila’y mangagmalaki. (Selah)
9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot,
Takpan sila Awit 7:16;Kaw. 12:13;18:7.ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 Awit 11:6.Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas:
Mangahagis sila sa apoy;
Sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa:
Huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
12 Nalalaman ko na 1 Hari 8:45;Awit 9:4.aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati,
At ang matuwid ng mapagkailangan.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan:
Ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.