17 Mat. 5:39.Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. 2 Cor. 8:21.Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay Mar. 9:50.magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
19 Huwag kayong Lev. 19:18.mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka’t nasusulat, Deut. 32:35;Heb. 10:30.Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
20 Kaya’t Kaw. 25:21,22.kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya’y mauhaw, painumin mo: sapagka’t sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.