Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 12:17-21

OASD Ang Salita ng Diyos

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Sa halip, gawin ninyo kung ano ang mabuti sa paningin ng lahat. 18 Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang makipamuhay nang mapayapa sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, "Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa."12:19 Deu. 32:35. 20 Kaya:

"Kung nagugutom ang iyong kaaway,

bigyan mo ng makakain.

Kung siyaʼy nauuhaw,

bigyan mo ng maiinom.

Dahil kapag ginawa mo ang mga ito,

mapapahiya siya sa kanyang sarili

na parang nilagyan mo ng baga

ang kanyang ulo."12:20 Kaw. 25:21-22.

21 Huwag kayong padadaig sa kasamaan, sa halip talunin ninyo ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    17 Mat. 5:39.Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. 2 Cor. 8:21.Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.

    18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay Mar. 9:50.magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.

    19 Huwag kayong Lev. 19:18.mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka’t nasusulat, Deut. 32:35;Heb. 10:30.Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

    20 Kaya’t Kaw. 25:21,22.kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya’y mauhaw, painumin mo: sapagka’t sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.

    21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.