8 Sapagka’t sinasabi ko na Mat. 15:24.si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, 2 Cor. 1:20.upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
9 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,
2 Sam. 22:50;Awit 18:49.Kaya nga’t ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.
10 At muling sinasabi niya,
Deut. 32:43.Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.
11 At muli,
Awit 117:1.Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.
12 At muli, sinasabi ni Isaias,
Is. 11:10.Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya’y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.
13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo’y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.