8 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na isinugo ng Diyos si Kristo upang maglingkod sa mga Hudyo at ipakita na ang Diyos ay tapat sa pagtupad ng kanyang mga pangako sa kanilang mga ninuno, 9 at upang magpuri sa Diyos ang mga Hentil dahil sa kanyang habag. Ayon nga sa Kasulatan:
"Pasasalamatan kita sa harap ng mga Hentil,
at aawit ako ng mga papuri sa iyo."15:9 2 Sam. 22:50; Salmo 18:49.
10 At sinabi pa sa Kasulatan:
"Kayong mga Hentil,
makigalak kayo sa mga taong sakop ng Diyos."15:10 Deu. 32:43.
11 At sinabi pa,
"Kayong lahat na mga Hentil, purihin ninyo ang Panginoon.
Kayong lahat, purihin siya."15:11 Salmo 117:1.
12 Sinabi naman ni Isaias,
"Magmumula sa lahi ni Jesse
ang isang mamumuno sa mga Hentil,
at aasa sila sa kanya."15:12 Isa. 11:10. Ito ay hango sa saling Septuagint.
13 Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.