Si Elimelech at ang kaniyang angkan ay naparoon sa Moab.
1 At nangyari nang mga kaarawan nang Huk. 2:16.humatol ang mga hukom, na nagkagutom sa lupain. At isang Huk. 17:8.lalaking taga Beth-lehem-juda ay yumaong nakipamayan sa lupain ng Moab, siya, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang dalawang anak na lalake.
16 At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita’y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka’t kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong Ruth 2:11-12.bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:
17 Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng 1 Sam. 3:17;14:44;20:13;2 Sam. 19:13;2 Hari 6:31.Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin.
20 At sinabi niya sa kanila, Huwag na ninyo akong tawaging Noemi, tawagin ninyo akong Mara: sapagka’t ginawan ako ng kapaitpaitan ng Job 27:2.Makapangyarihan sa lahat.
21 Ako’y umalis na punó, Job 1:21.at ako’y iniuwi ng Panginoon na walang dala. Bakit ninyo ako tinatawag na Noemi, yamang ang Panginoon ay nagpatotoo laban sa akin, at dinalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat?