Namatayan ng Asawa at mga Anak si Naomi
1 Noong panahong ang mga hukom1:1 Hindi lang sila hukom, kundi sila rin ay mga pinuno at kumander ng mga sundalo, dahil wala pang mga hari noon. pa ang namumuno sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupain. May isang lalaking taga-Bethlehem ng Juda na pumunta sa Moab kasama ang asawa niya at dalawang anak na lalaki para doon muna manirahan.
16 Ngunit sumagot si Ruth, "Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo o talikuran, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo titira, doon din po ako titira. Ang inyong mga kababayan ay magiging aking mga kababayan, at ang inyong Diyos ay Diyos ko rin. 17 Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa."
20 Sinabi ni Naomi sa kanila, "Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi,1:20 Naomi: Ang ibig sabihin, masarap. kundi tawagin ninyo akong Mara,1:20 Mara: Ang ibig sabihin, mapait. dahil pinapait ng Diyos na Makapangyarihan ang buhay ko. 21 Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon."