14 At inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak uli; at hinagkan ni Orpha ang kaniyang biyanan; nguni’t si Ruth Kaw. 17:17;18:24.ay yumakap sa kaniya.
Si Noemi at si Ruth ay bumalik sa Juda.
15 At sinabi niya, Narito, ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan, at sa kaniyang dios; 2 Hari 2:2-6.bumalik kang sumunod sa iyong hipag.
16 At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita’y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka’t kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong Ruth 2:11-12.bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:
17 Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng 1 Sam. 3:17;14:44;20:13;2 Sam. 19:13;2 Hari 6:31.Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin.