Pular para o conteúdo
Publicidade

Ruth 1:14-17

OASD Ang Salita ng Diyos

14 At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi,1:14 at umuwi: Itoʼy nasa Septuagint pero wala sa Hebreo. habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi.

15 Sinabi ni Naomi, "Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang diyos,1:15 diyos: O mga diyos. kaya sumáma ka na rin sa kanya."

16 Ngunit sumagot si Ruth, "Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo o talikuran, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo titira, doon din po ako titira. Ang inyong mga kababayan ay magiging aking mga kababayan, at ang inyong Diyos ay Diyos ko rin. 17 Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    14 At inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak uli; at hinagkan ni Orpha ang kaniyang biyanan; nguni’t si Ruth Kaw. 17:17;18:24.ay yumakap sa kaniya.

    15 At sinabi niya, Narito, ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan, at sa kaniyang dios; 2 Hari 2:2-6.bumalik kang sumunod sa iyong hipag.

    16 At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita’y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka’t kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong Ruth 2:11-12.bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:

    17 Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng 1 Sam. 3:17;14:44;20:13;2 Sam. 19:13;2 Hari 6:31.Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Rute
Ver todos os capítulos de Rute