2 At sinabi ni Ruth na Moabita kay Noemi, Paparoonin mo ako ngayon sa bukid, at Deut. 24:19.mamulot ng mga uhay sa likuran niyaong aking kasumpungan ng biyaya sa paningin. At sinabi niya sa kaniya, Yumaon ka, anak ko.
3 At siya’y yumaon at naparoon, at namulot sa bukid sa likuran ng mga mangaani: at nagkataong dumating sa bahagi ng lupa na nauukol kay Booz, na sa angkan ni Elimelech.
10 1 Sam. 25:23,41.Nang magkagayo’y nagpatirapa siya at yumukod sa lupa, at nagsabi sa kaniya, Bakit ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin na nilingap mo ako, dangang ako’y taga ibang lupa?
11 At si Booz ay sumagot at nagsabi sa kaniya, Ipinatalastas sa akin ang Ruth 1:14-17.buong iyong ginawa sa iyong biyanan mula sa pagkamatay ng iyong asawa: at kung paanong iyong iniwan ang iyong ama at iyong ina, at ang lupang pinanganakan sa iyo, at ikaw ay naparito sa bayan na hindi mo nakilala nang una.
12 1 Sam. 24:19.Gantihin nawa ng Panginoon ang iyong gawa, at bigyan ka nawa ng lubos na ganting pala ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa Awit 17:8;36:7;57:1;63:7.ilalim ng mga pakpak niyaong iyong kakanlungan.