1-3 Isang araw, sinabi ng Moabitang si Ruth kay Naomi, "Gusto ko po sanang pumunta sa bukid at mamulot2:1-3 mamulot: Kaugalian ng mga Israelita ang mag-iwan ng mga uhay para pulutin ng mga mahihirap, biyuda, o dayuhan. (Tingnan ang Lev. 19:9-10; 23:22; Deu. 24:19-22.) ng mga nalaglag na uhay mula sa mga tagapag-ani sa bukid na magpapahintulot sa akin."
Sumagot si Naomi, "O sige, anak." Kaya umalis si Ruth at namulot ng mga nalaglag na uhay mula sa mga tagapag-ani. Nagkataon na doon siya namulot sa bukid ni Boaz na kamag-anak ni Elimelec. Si Boaz ay mayaman at makapangyarihan.
10 Nagpatirapa si Ruth sa harapan ni Boaz at sinabi, "Bakit napakabuti nʼyo po sa akin gayong dayuhan lang ako?"
11 Sumagot si Boaz, "May nagkuwento sa akin ng lahat ng ginawa mo para sa biyenan mong babae mula pa noong nabiyuda ka. Iniwan mo raw ang mga magulang mo at ang bayang sinilangan mo para manirahang kasama ng mga taong hindi mo kilala. 12 Pagpalain ka nawa ng Panginoon dahil sa iyong ginawa. Malaking gantimpala nawa ang matanggap mo mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pinagkanlungan mo."