Pular para o conteúdo
Publicidade

Santiago 2:1-4

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

1 Mga kapatid ko, Deut. 1:17;Jud. 16.yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon1 Cor. 2:8.ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.

2 Sapagka’t kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak;

3 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan;

4 Hindi baga kayo’y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng dakila nating Panginoong Hesu-Kristo, wala dapat kayong pinapaboran. 2 Halimbawa, may dumating sa inyong pagtitipon na isang taong may gintong singsing at nakasuot ng mamahaling damit, at dumating din ang isang mahirap na punit-punit ang damit. 3 Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at sasabihin sa kanya, "Umupo ho kayo rito," samantalang sasabihin ninyo sa mahirap, "Tumayo ka roon" o "Umupo ka na lang sa sahig," 4 hindi baʼt may pinapaboran kayo at humahatol ayon sa masama ninyong pag-iisip?

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.