Pular para o conteúdo
Publicidade

Santiago 4:6-10

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

6 Nguni’t siya’y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya’t sinasabi ng kasulatan, Ang Kaw. 3:34;1 Ped. 5:5.Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa’t nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

8 Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at 1 Ped. 1:22.dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga Sant. 1:8.may dalawang akala.

9 Kayo’y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.

10 Mangagpakababa kayo 1 Ped. 5:6.sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    6 Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Diyos. Kaya nga sinasabi ng Kasulatan:

    "Kinakalaban ng Diyos ang mga mapagmataas,

    ngunit kinakahabagan ang mapagpakumbaba."4:6 Kaw. 3:34.

    7 Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. 8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso. 9 Magluksa kayo, tumangis, at umiyak. Gawing pagluha ang inyong halakhakan,at kalungkutan ang inyong kasiyahan. 10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.