6 Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Diyos. Kaya nga sinasabi ng Kasulatan:
"Kinakalaban ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit kinakahabagan ang mapagpakumbaba."4:6 Kaw. 3:34.
7 Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. 8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso. 9 Magluksa kayo, tumangis, at umiyak. Gawing pagluha ang inyong halakhakan,at kalungkutan ang inyong kasiyahan. 10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.