Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Pedro 1

1 Mula kay na apostol ni Hesu-Kristo,

Sa mga naninirahan bilang mga dayuhan at nangalat sa , , , at , na pinili 2 ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin noon pa at pinabanal ng Espiritu, upang sundin si Hesu-Kristo at linisin sa mga kasalanan ninyo sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.

Papuri sa Diyos para sa Isang Buháy na Pag-asa

3 Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. 4 Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may inihandang mana ang Diyos para sa atin. Ang pamanang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas. 5 At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang naghihintay kayo ng kaligtasan na nakalaang ihayag sa huling panahon. 6 Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, 7 upang masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy upang malaman kung tunay o hindi. Ngunit mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nasisira. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Hesu-Kristo. 8 Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi pa ninyo siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ilarawan sa salita, 9 dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan.

10 Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Diyos sa atin. 11 Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Kristo na nasa kanila, na maghihirap ang Mesias bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari. 12 Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa inyo. At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo.

Magpakabanal Kayo

13 Kaya palagi ninyong ihanda ang inyong isipan na gawin ang kalooban ng Diyos. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Hesu-Kristo. 14 Bilang masunuring mga anak ng Diyos, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Diyos. 15 Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. 16 Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, "Magpakabanal kayo dahil banal ako."1:16 Lev. 11:44, 45; 19:2.

17 Walang pinapaboran ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito. 18 Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, 19 kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos. 20 Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Diyos si Kristo upang maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Diyos nitong mga huling araw alang-alang sa inyo. 21 Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Diyos, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.

22 At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso, 23 dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Diyos. 24 Ayon sa Kasulatan:

"Ang lahat ng tao ay parang damo,

ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

25 ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman."1:25 Isa. 40:6-8. Ito ay hango sa saling Septuagint.

At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Ponto
Hoje: Ponto (Costa do Mar Negro), Turquia
ΠόντοςPontos
Ponto é a terra de onde veio o judeu Áquila, que chegou da Itália com Priscila, sua mulher, depois que Cláudio mandou os judeus saírem de Roma (Atos 18:2).
40,68° N, 37,83° L
Citado em 3 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Galácia
Hoje: Galácia (Anatólia Central), Turquia
ΓαλατίαGalatia
Galácia é uma região com igrejas, às quais Paulo escreveu uma carta; ele também percorreu a região, junto com a Frígia, fortalecendo os discípulos (Atos 18:23).
39,27° N, 32,98° L
Citado em 6 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Capadócia
Hoje: Capadócia, Turquia
ΚαππαδοκίαKappadokia
Capadócia é um dos lugares onde moravam os dispersos a quem Pedro escreveu, ao lado do Ponto, da Galácia, da Ásia e da Bitínia; habitantes da Capadócia estavam presentes no dia de Pentecoste (1 Pedro 1:1).
38,67° N, 34,84° L
Citado em 2 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Ásia
Hoje: Oeste da Anatólia, Turquia
ἈσίαAsia
Ásia é a província onde, durante dois anos, judeus e gregos que viviam ali ouviram a palavra do Senhor; sete igrejas, de Éfeso a Laodiceia, ficavam nela (Atos 19:10).
38,40° N, 28,30° L
Citado em 21 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Bitínia
Hoje: Bitínia (Noroeste da Turquia)
ΒιθυνίαBithunia
Bitínia foi a região onde Paulo e seus companheiros tentaram entrar, mas o Espírito de Jesus os impediu; nela também viviam peregrinos dispersos a quem Pedro escreveu (Atos 16:7).
40,50° N, 31,00° L
Citado em 2 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de 1 Pedro 5
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.